Lyrics of
Imposible

Nanahimik ako dito, nagkakape naka de-kwatro
Ilang linggo ng nasa kwarto
Pintoy nakasarado, said na ang luha ko
Di mo ba nakikita? Tapos na ang kabanata
Pagbukas ng bintana nakadungaw mga tala
Lungkot ay lumisan na
Kung usapang seryosong kailangan mo
Pasensya na di ko maibibigay
Wag magmakaawa wala kang mapapala
Wala na akong balak magbalik at lumuha
Imposible, imposible, sa pelikula lang yan mangyayari
Ang simple ganun lang kasimple
Hinding hindi mabubura ang nangyari
Parang ayoko na, ah ayoko na ata, ayoko na nga, ayoko na ata, ayoko na nga
Ayoko na ata, ayoko na nga sayo
Imposible, imposible ang hinihiling mo
Verse: 2
Tatlong oras akong sa kanto, naghihintay na parang aso
Ilang beses nang nangyari yun
Wala na bang bago? Nagsasayang lang ang oras ko
At nalaman ko, nadulas ang barkada mo
May pinupuntahan ka raw sa may baclaran
Wag magmakaawa wala kang mapapala
Wala na akong balak magbalik at lumuha
Rap
Kamusta? Alam kong ayaw mo ko kausapin
Salitang ako't ikaw bulong na lang sa hangin
'Di pa tamang panahon 'to para usisain
Katotohanang hindi na bago sa'yo pag inamin
Sinasalo mo lang ako kahit alam mo
Na 'di ikaw yung babaeng dapat ginaganto
Kaso lang mukhang pagod ka na kakaunawa
Panahon na din yata maalalang 'di na ko bata
Para makipaglaro ng damdamin sa katulad mo
Paglayo na lang ba yung sagot sa pagkukulang ko
Siguro nga hindi pa ko handa tumaya
'Di ka lang maniniwala pag sinabing 'di sadya