Lyrics of
Grabeng Pag - Ibig

Akala ko ay MU na
Yun pala ay magkaibigan lang pala
Dumurugo ang damdamin
Tuwing naiisip ko'y sanyong kapiling
nasisisi ako kung bakit wala akong nagawa
kung kumilos lang ako ay syota na kita
minahal kita ng lubusan
iniwan mo ako sa ere
kaya ba niyang patunayan
na ang pag-ibig niya'y mas grabe
puso ko'y umiiyak ng dugo at luha
wala na akong mapakitang mukha
ngayong magboyfriend na kayo
sana'y hindi halata na nagseselos na ako
tuhod ko'y nanghihina
nanghihinayang na ika'y kanya na
aasa pa rin ako kahit ako'y talo na
tanong ng puso ko may bukas pa ba
minahal kita ng lubusan
iniwan mo ako sa ere
kaya ba niyang patunayan
na ang pag-ibig niya'y mas grabe
puso ko'y umiiyak ng dugo at luha
wala na akong mapakitang mukha
hinudas niyo ako
nilinlang ang puso ko
walang kamuwang muwang
na 1-2-3 ako
minahal kita ng lubusan
iniwan mo ako sa ere
kaya ba niyang patunayan (clap your hands!)
na ang pag-ibig niya'y mas grabe
puso ko'y umiiyak ng dugo at luha
wala na akong mapakitang mukha