Lyrics Digmaan

 Ito ang digmaang, Di ko uurungan
Patuloy ang laban, Di ka papabayaan
Puso ang sandata Pag-ibig ang bala
Ikaw ang aking tagumpay
Hindi matitinag, Hindi masisira
Hindi manghihina, Hindi na titila
Ang pagbuhos ng aking pag-ibig
Ikaw ang aking tagumpay
Para sa mga sugatan, Para sa mga luhaan
Sa mga hindi kuntento, May mapait na kwento
Sa di alam ang daan, Nawawala na naman
Huwag kang mawalan ng pag-asa, Hindi kita lulubayan
Ika'y umasang, Ako'y palaging nandiyan
Kung ang akala mo ay nag-iisa ka
Nagkakamali ka, Sasamahan kita
Alay ko ang aking buhay, Magsisilbing patnubay
Di ako naniniwalang, Sablay ka habambuhay
Halika dito, Huwag kang makinig kung kani-kanino
Harapin ang liwanag, Talikuran ang anino
Ito ang digmaang, Di ko uurungan
Patuloy ang laban, Di ka papabayaan
Puso ang sandata Pag-ibig ang bala
Ikaw ang aking tagumpay
Hindi matitinag, Hindi masisira
Hindi manghihina, Hindi na titila
Ang pagbuhos ng aking pag-ibig
Ikaw ang aking tagumpay
Kapit huwag bibitaw, Hindi ka na maliligaw
Kapag ang kahapon lumilitaw, Pwede kang sumigaw
Buntong hininga, Handa ka na ba
Tatandaan ang katapusan ay panibagong simula
Sige lang, Yung dating talunan
Ngayon ay isang kampyeon, Saling pusa noon
Ngayon ay mabangin na leon
Nasa unahan na ngayon, Dating nasa huli palagi
Nagsimula sa wala, Pero ngayon labis mamahagi
Iniwanan sa putikan, Ngayon ay tinitingala
Tinawag na sumpa,?Yun pala siya?y isang himala
?Yan ang storya mo, Pangako ko
Huwag ka lang mawalan ng pag-asa
Tandaan ako?y palaging nandiyan
Ito ang digmaang, Di ko uurungan
Patuloy ang laban, Di ka papabayaan
Puso ang sandata Pag-ibig ang bala
Ikaw ang aking tagumpay
Hindi matitinag, Hindi masisira
Hindi manghihina, Hindi na titila
Ang pagbuhos ng aking pag-ibig
Ikaw ang aking tagumpay
Hindi kita iiwan
Ohhhhhoooohh
Hindi kita iiwan
Hindi kita iiwan
Ohhhhhoooohh
Hindi kita iiwan
Ohhhhhoooohh
Hindi kita iiwan
Ohhhhhoooohh
Hindi kita iiwan
Ohhhhh
Hindi pababayaan
Ohhhhhoooohh
Ikaw ang aking tagumpay
Puso ang sandata, Pag-ibig ang bala
Ikaw ang aking tagumpay