Taon na pala ang lumipas
Ramdam ko pa rin ang hampas
Ng katotohan ng ating wakas
Ba't parang ako lang nagkasugat
Ba't parang ako lang ang nasira
Ng ating mga pangako
Narito pa rin ako, ooh
Kung sa'n tayo huling nagtagpo
Hanggang kailan ganto (hanggang kailan ganto)
Ang puso ko'y sa 'yo pa rin
Kahit ang iyo ay 'di naman na akin
Hindi ba hihinto (hindi ba hihinto)
Sa paglingon at pagmuni-muni
At pagbakasakali na baka pwede tayong muli
Naghihintay pa rin
Naghihintay pa rin, ooh
Alam kong hindi na dapat
Itayo ang dating nawasak
Na tahanan ng ating pagmamahalan
Wala namang pinanghahawakan
Ngunit hindi naman din makabitaw
Narito pa rin ako, ooh
Kung sa'n tayo huling nagtagpo
Hanggang kailan ganto (hanggang kailan ganto)
Ang puso ko'y sa 'yo pa rin
Kahit ang iyo ay 'di naman na akin
Hindi ba hihinto (hindi ba hihinto)
Sa paglingon at pagmuni-muni
At pagbakasakali na baka pwede tayong
Kung 'di ikaw ay 'wag na lang
Kung 'di ikaw ay 'wag na lang
Kung 'di ikaw ay 'wag na lang
Kung 'di ikaw ay 'wag na lang
Hanggang kailan ganto (hanggang kailan ganto)
Ang puso ko'y sa 'yo pa rin
Kahit ang iyo ay 'di naman na akin
Hindi ba hihinto (hindi ba hihinto)
Sa paglingon at pagmuni-muni
At pagbakasakali na baka pwede tayong muli
Muli
Muli