Sa pagkakaluhod, ang iyong bangketa
Ay nanakluhod sa iyong eskolta
Kayrikit ng ilaw
Sa iyong libinga
Ng mga bulaklak na nangakatawa
Habang nilalagas ng hayok na pita
verse 2
Ang nagmamadaling sala mong maharot
Ay dumadapurak sa banal na loob
Sa iyong simbahan
Buwitreng naglisaw
Ang abalang nasang kahit nakaluhod
Ay nangagpipiging sa bangkay ng diyos
Nag-aanyaya kang bagong paraiso
May ngiting salubong sa singki at dayo
Kung mayakap ka na
Saka mapupuna
Na ang kariktan mong akala?y kung sino
May ikinukubling maruming estero
verse 3
Ang nagmamadaling sala mong maharot
Ay dumadapurak sa banal na loob
Sa iyong simbahan
Buwitreng naglisaw
Ang abalang nasang kahit nakaluhod
Ay nangagpipiging sa bangkay ng diyos
Nag-aanyaya kang bagong paraiso
May ngiting salubong sa singki at dayo
Kung mayakap ka na
Saka mapupuna
Na ang kariktan mong akala?y kung sino
May ikinukubling maruming estero
Nag-aanyaya kang bagong paraiso
May ngiting salubong sa singki at dayo
Kung mayakap ka na
Saka mapupuna
Na ang kariktan mong akala?y kung sino
May ikinukubling maruming estero