Dito sa bayan ni Juan
May isang kaugalian
Isang daing sa kapitbahay
Buong bayan dumaramay
Dito sa bayan ni Juan
May mga kalalakihan
Sa oras na kailangan
Bumubuo ng bayanihan
Refrain
Bayanihan dito sa bayan ni Juan
Isang daing mo lamang, ikaw ay tutulungan
Bayan ni Juan, uso ang bayanihan
Lahat sila'y kasali, diyan mo mapupuri
Chorus
Huwag (magtaka/kang magtataka)
Kung meron kang makita
Bahay na lumalakad
Sa gitna ng inyong kalsada
(Repeat Refrain)
(Repeat Chorus 5x, fade)