Lyrics of
Ang Bisaya

Galing ng Bisaya, siya'y pumunta sa Maynila
Hakot ang damit, dala pati kanyang gitara
Perang inipon ng limang taon
Inilagay niya sa bayong
Siya'y nahilo sa barko pagkat siya'y nalula
Napansin ito ng mandurukot sa Maynila
Perang inipon ng limang taon
Para na lang itinapon
Tinangay ng mandurukot
Wala ni konting habag
Pobreng Bisaya ay nagutom
Ang laman ng tiyan ay kabag
Siya'y lumakad at hindi niya pinansin ang pagod
Para s'yang kabayong may kutserong lumalagod
Sa isang puno ay tumigil siya
At tinugtog ang gitara
EM7
Kay hirap pala ng buhay sa Maynila
Pag ikaw ay binunggo ng iyong kapwa
Ang iyong kakainin ay
Inihaw haw na carabao
Kulay pulang taksi ang sa tapat niya'y tumigil
May seksing babaeng bumaba, siya ay nanggigil
Agad niya itong sinunggaban
At dinala sa damuhan
E EM7
Siya'y nakita ng pulis
Habang siya ay naglililis
Anong haba ng batuta ng pulis
Kaya't siya ay tumakbo
Kaya't siya ay tumakbo