Letra de
Larawan

Hindi ako pintor
Kung kaya hindi kayang ipinta ka
Di ko mabibihag ang iyong mukha
Sa pintura't pinsel
Iguguhit kita sa himig na kay tamis
Ika'y aawitin ko
Kita'y ipipinta sa himig ko
Sa awit kong ito'y ginuhit ang
Larawan mo
Di magsasawang pagmasdan ka
Di rin magsasawang sabihin kong
Mahal kita, pakinggan mo
Mga matang singkit, malambing na tinig
Ang ilong ay kay tuwid
Tinutukso na medyo tagilid
Lalong lalo na ang kulay mong kayumanggi
Ika'y aawitin ko
Kita'y ipipinta sa himig ko
Sa awit kong ito'y ginuhit ang
Sa awit kong ito'y ginuhit ko
Sa awit kong ito'y ginuhit ang
Larawan mo