Letra de
Isang Anghel

Ang iyong mga mata
Ang aking nakikita
Paligid ko ay sumaya
Halika na at humimlay
Ayoko munang mamatay
Kahit na mahirap ang mabuhay nga sa lupa
Pipiliin daigdig sa kahit anong planeta pa
Mahalaga’y kasama ka

Ayoko munang mamatay ngayon
Ang buhay ko na matamlay noon
Paligid ko ay nagiba
Noong natagpuan kita sinta

Nakaraan o kay dilim
Wala akong makita
At nong ikaw ay dumating
Wala nang hahanapin pa
Ngiti palang sapat na nga
Ano bang dahilan
Kung bakit ka ganiyan
Kumikinangkinang
Wala nang babaguhin pa
Basta magpakatunay ka

Ayoko munang mamatay ngayon
Ang buhay ko na matamlay noon
Paligid ko ay nagiba
Noong natagpuan kita sinta

‘Di ko akalain na ikaw lang ang kailangan ko dito
Para kang isang anghel na hindi pumapapel