Lyrics of
Sana Kahit Minsan

Bakit ikaw ang nais na matanaw
Nitong mga mata
Tunay kayang nabighani ako
Sa taglay mong ganda
Nais kong marinig malamyos mong tinig
Na sa aking aliw at tila ba ito'y
Hulog man ng langit
Pag nakita ka na'y ayaw nang
Kumurap o pumikit man lang
Dahil baka mawala kang bigla
Nang hindi ko alam
Minsa'y hinahagka't yakap-yakap kita
Ngunit sa paggising ko ay
Di pala tunay at nanghihinayang na
Sana kahit minsan ay mapansin ako
Malaman mong kita'y mahal
At 'yan ay totoo
Wag mong isiping nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay sa 'yo
Bridge
Hanap ng puso ay laging ikaw
Tanging nais ko'y ang 'yong pagmamahal
Sana'y sabihing mahal mo rin ako
Ikaw ang tawag ng damdamin ko
Sana ay mapansin ako
Malaman mong kita'y mahal
At 'yan ay totoo
Wag mong isiping nagbibiro ako
Tunay ang pag-ibig na alay
Ikaw ang nais sa habang buhay
Ang pag-ibig na alay ko sa 'yo'y tunay
Sa 'yo'y tunay
Sana kahit minsan, minsan
Sana kahit minsan
Sana kahit minsan