Walang hanggang katapatan
Sa buhay ko'y lagi mo'ng laan
Narito dahil sa biyaya mo
Habang buhay nagpupuri sa'yo
Pupurihin ka sa awit, itataas ang aking tinig
Itatanghal sa buhay ko'y tanging ikaw, o diyos
Higit pa sa kalangitan
Ang iyong kaluwalhatian
Kadakilaan mo'y di mapapantayan
(ulitin tatalata, koro)
Hesus sa'yo ang kapurihan, kaluwalhatian
Ngayon at magpakailanman
Hesus sa'yo ang karangalan, kapangyarihan
Ngayon at magpakailanman