Lyrics of
Nasaan Na

Pagkagising sa umaga
Damdamin ay lumbay
At di mapalagay
Di makakain, di makaisip
Laging nagmumukmok
Laging nakabugnot
Refrain 1
Nagtataka ako kung bakit biglang naglaho
Ang init ng ating pag ibig pagmamahalan
Sino bang may kakulangan sa 'ting dalawa
Dating suyuan at lambingan nasaan na?
II
Nasa dulo na ng dila
Di kaya banggitin
Ayaw pang sabihin
Katotohanan, iniiwasan
Iguhit sa langit
Di rin babasahin
Refrain 2
Di ko matatanggap kung bakit biglang naglaho
Ang init at apoy ng ating pagmamahalan
Dating pag ibig at lambingan
Nasaan na ba napunta?
O pag ibig nasa'n ka na, nasa'n ka na?
Chorus
Nasaan na, ang pagmamahalan
Nasaan na, ang ating suyuan
Nasaan na, pinangakong tadhana
Nasaan na, na tayo'y magsasama sama
Nasaan na, ang init ng iyong halik
Nasaan na, ang tamis ng iyong labi
Nasaan na, ang dating sumpaan
Nasaan na, ang dating lambingan
Nasaan na?
(Repeat II)
Ahhmmm
(Repeat I)
Nasa dulo na ng dila
Di kaya banggitin
Ayaw pang sabihin