Lyrics of
Gitara

bakit pa kailangang magbihis
sayang din naman ang porma
lagi lang namang may sisingit
sa tuwing tayo'y magkasama
Bakit pa kailangan ng rosas
kung marami namang mag-aalay sayo
uupo nalang at aawit
maghihintay ng pagkakataon

Hahayaan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sayo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara ohhh
Idadaan na lang sa gitara

Mapapagod lang sa kakatingin
Kung marami namang nakaharang
Aawit na lang at magpaparinig
Ng lahat ng aking nadarama

Pagbibigyan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sayo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara ohhh
Idadaan na lang sa gitara